adik ka ba?!? Ü
hindi ka ba makatulog sa kakaisip,
na parang mulat na nananaginip;
tila nagbabalik ang mga alaala,
habang nangingting mag-isa…
hindi ka rin ba inaabutan ng gana,
kahit na pagkai’y nasa harap mo na;
di alam kung ano’ng dapat isipin,
kahit anong balak, talagang ayaw pa rin…
hindi ba talaga mapakali ang buhay mo,
at parang ang lahat ay sobrang gulo;
hindi malaman-malaman ang iyong gagawin,
at bigla na lang mapapatitig sa hangin…
sadya nga yatang malala na ang iyong sakit,
na tila sa buong katawan mo’y tuluyang kumapit;
mukhang sa tulad nati’y hinding-hindi babagay,
ang magmahal ng lubusan kahit kapalit ay buhay…
August 28th, 2008 at 6:50 am
nakanang yan… inspirado ahh..
aus yan… heheh!!